26.4 C
Manila
Monday, August 15, 2022

Pagadian: Tulong mula sa pamilyang Yongco para sa bagyong Odette victims, dumating na sa probinsya ng Cebu

- Advertisement -

Zamboanga del Sur – Dumating na sa probinsya ng Cebu ang mga relief goods na ipinamahagi ng pamilyang Yongco sa pangunguna ni Achie Yongco (Zambo Sur 1st District Congressional Aspirant) at Arnel Yongco (Aurora Vice Mayoralty Candidate).

Visit RPN DXKP Pagadian

Sakay ito ng ten-wheeler truck na puno ng galon-galong tubig at sako-sakong bigas.

Kabilang sa ipinamahagi ang dalawang 20ft. container.

Nagpaabot rin ng tulong ang pamilyang Cerilles sa mga biktima sa pangunguna ni Dumalinao Mayor Junaflor “Sweet” Cerilles gaya ng mga delatang pagkain na may kasama ring tubig.

Samantala,buong pusong pinasasalamatan ni Congressional Aspirant Yongco ang mga taong tumulong sa kanila.

Imbis raw kasi na ituon sa kani-kanilang pamilya ang holiday season, mas inuna pa nila ang paghahanda sa mga relief goods sa layuning maihatid ito agad sa mga biktima.

Ika pa ng Mellinial Aspirant Congressman na ang pagbibigayan at pagtutulungan ang labis na kailangan ngayong panahon ng kalamidad.

Hiling n’ya na magdasal sa Panginoon para muling babangon ang mga tao na nasa kahirapan.

(Source: Bright Channel Facebook page, photo courtesy of Cerilles Cares)

- Advertisement -

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -