Saturday, May 4, 2024

Pag apruba sa Evacuation Centers Bill pinamamadali na sa Kamara

- Advertisement -

Pinamamadali na sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pag-apruba sa Evacuation Center Bill.

Ayon kay House Deputy Minority Leader at Bayan Muna Partylist Representative Carlos Zarate, hindi na kailangang intayin pa ang panibagong malakas na bagyo na mananalasa sa bansa bago maitatag ang disaster resilient evacuation centers.

Aniya, nakapailalim sa kanyang inihaing House Bill 5259 ang pagtitiyak na mayroong mapupuntahan na ligtas na lugar ang mga mabibiktima ng kalamidad.

Paliwanag ni Zarate, sa ngayon kasi ay ginagamit na evacuation centers ang mga eskwelahan at multi-purpose hall na kadalasan ay nakatayo sa mga danger prone areas kung kaya’t mas mainam na mayroon talagang lugar na magsisilbing command centers.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img