32.7 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

Mabilis na paghahatid ng bigas sa mga lugar na apektado ng bagyong ‘Tisoy’ tiniyak ng NFA

- Advertisement -

Tiniyak ng National Food Authority (NFA) ang agarang pagbibigay ng bigas sa mga lugar na apektado ng bagyong ‘Tisoy’.

Ayon kay NFA Administrator Judy Carol Dansal, mayroon nang mahigit 100,000 bag ng bigas sa Bicol Region na nagmula sa pinagsamang stocks mula sa Catanduanes at Sorsogon.

Aniya, ito ang kanilang inihanda para sa mabilis na ayuda sa mga relief operations.

Samantala, nagbabala rin si Dansal sa publiko na i-report ang sino mang rice retailers na mananamantala sa sitwasyon.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -