Palasyo pinasisilip din ang kontrata sa mga kumpanya ng kuryente

0
14

Pinasisilip din ng Malacañang ang kontrata ng Pamahalaan sa mga kumpanya ng kuryente.

Ito ay matapos na magkaroon ng isyu ang Pamahalaan sa tagilid na kontrata ng mga water concessionaires sa gobyerno.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, nais ni Pang. Rodrigo Duterte na mabigyan ng sapat na proteksyon ang mga konsyumers lalo na’t isa ang kuryente sa mga pangunahing pangangailangan sa araw-araw.

Gayunman, hindi naman tinukoy ni Panelo kung anong kumpanya ang target na ipasiyasat ng Pangulo.