Sunday, May 5, 2024

Pabuya iniaalok sa makapagtuturo sa nagtapon ng mga patay na baboy sa Ilog Marikina

- Advertisement -

Nag alok ng 200,000 pisong reward ang Marikina City Government sa makapagbibigay ng impormasyon sa nagtapon ng mga patay na baboy sa Marikina River.

Nabatid na wala pang testigo ang city government sa nasabing insidente bagamat may hawak na itong mga litrato at imprmasyon sa isyu.

Magugunitang 58 baboy ang narekober ng Marikina City Veterinary Office sa Marikina River, dahilan kaya’t kaagad na ipinasara ang ilog.

Posible namang magsampa ng writ of kalikasan sa susunod na linggo ang city government kapag nakakuha na ng sapat na ebidensya.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img