Kongreso hindi na mag iimbestiga sa GCTA law

0
23

Hindi na itutuloy ng Kongreso ang imbestigasyon kaugnay sa mga nakalayang preso sa ilalim ng Good Conduct Time Allowance law.

Ayon kay Justice Committee Chairman Vincente Veloso, ipapaubaya anila sa Senado ang imbestigasyon sa GCTA para hindi na magkaroon ng overlapping sa 2 kapulungan ng Kongreso.

Gayunman, tiniyak naman ni Veloso na maipapasa ang panukalang batas kaugnay sa revised penal code para matigil na ang pagpapalaya sa preso dahil sa GCTA.