Friday, May 17, 2024

P7.4-B arbitration case ng Manila Water vs gov’t hindi babayaran ng Malacañang —Spox

- Advertisement -

Walang balak ang pamahalaan na bayaran ang mahigit P7-bilyong arbitration case na napanalunan ng Manila Water sa arbitral tribunal sa Singapore.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, sa simula pa lamang ay tagilid na ang kontrata na pinasok ng Manila Water sa gobyerno dahil agrabayado ang pamahalaan sa nasabing kasunduan.

Magugunitang nanalo ang Manila Water laban sa pamahalaan matapos harangin ang pagtataas ng singil sa tubig may ilang taon na ang nakararaan.

Una rito, binalaan pa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang may ari ng Manila Water, maging ang Maynilad, na kakasuhan ng economic sabotage.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -