Friday, May 3, 2024

P27.2-M halaga ng shabu nasabat sa Malabon

- Advertisement -

Arestado ang isang babaeng Chinese national sa ikinasang buy-bust operation ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa Malabon City.

Batay sa ulat ng mga otoridad, nagkasa sila ng operasyon laban kay Tuan Xi Yao, 38-anyos na babaeng Chinese sa Barangay Dampalit, Malabon City noong Linggo ng gabi.

Nasabat sa suspek ang apat na plastic bags na naglalaman ng hinihinalang shabu na nakabalot sa dilaw na foil pack.

Tinataya namang nasa P27.2-milyon ang halaga ng ilegal na droga kung ibabatay sa market value.

Bukod dito, nasabat rin ng mga otoridad ang P1,000, I.D. (Idetification) at cellphone.

Samantala, dinala naman ang suspek at mga ebidensya sa Philippine Drug Enforcement Unit para sa pagsasampa ng kaukulang kaso.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img