28.2 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

SONA 2019 speech personal na inayos ni Duterte

- Advertisement -

Personal na inayos ng Pangulong Rodrigo Duterte ang nilalaman ng kaniyang magiging talumpati para sa kanyang ika-apat na State of the Nation Address (SONA) sa Lunes, Hulyo 22.

Ayon sa mga ulat, aabot sa 19 na pahina ang talumpati ng Pangulong Duterte.

Una rito, sinabi naman ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Sec. Martin Andanar na posibleng tumagal lamang ng 45mins. hanggang 50mins. ang speech ng pangulo.

Habang tiniyak rin naman ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na magiging maikli lamang ang talumpati ng pangulo sa Lunes, kung saan sinabi rin naman nito na hindi na tatalakayin pa ng pangulo sa kanyang SONA ang mga “accomplishments” ng administrasyon, dahil makikita naman anya ito ng publiko.

Samantala, sinabi naman ni Cabinet Sec. Karlo Nograles na makatitiyak ang publiko na ang sasabihin ng pangulo sa kanyang SONA ay kung ano talaga ang nasa puso nito.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -