Saturday, May 4, 2024

New Clark City kayang ma-accommodate ang mga ililikas na Pinoy mula Japan —Duque

- Advertisement -

Kayang ma-accommodate sa New Clark City sa Capas, Tarlac ang daang Pilipino na ililikas mula sa Japan.

Tiniyak ito ni Department of Health (DOH) secretary Francisco Duque III matapos ikasa ang paglilikas sa mga Pinoy mula sa Diamond Princess sa February 23.

Ipinabatid ni Duque na siniguro ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA) na kasya ang mga ililikas na Pinoy sa Athlete’s Village.

Muli aniyang magpupulong ang Inter-Agency Task Force para plantsahin ang mga pinal na detalye at hakbang sa gagawing paglilikas sa mga naturang Pinoy.

Samantala, bukas, February 22, matatapos na rin ang quarantine sa Athletes Village sa 49 na Pilipino mula sa Wuhan City na una nang inilikas ng gobyerno.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img