- Advertisement -
Arestado ang isa pang opisyal ng National Democratic Front of the Philippines o NDFP sa Nagcarlan, Laguna kahapon.
Nahuli si NDFP-Negros Spokesman Frank Fernandez sa joint operation ng Philippine Army at Laguna Police sa Barangay Calumpang pasado alas-5:00 ng hapon.
Una nang naareso si NDFP Peace Consultant Renante Gamara sa Imus, Cavite noong nakaraang linggo.
Si Fernandez ang ika-anim na opisyal ng NDFP na naaresto makaraang ihinto ang usaping pang kapayapaan sa Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA).
—-
- Advertisement -