Thursday, May 16, 2024

Persons of interest sa pagpatay sa sekretarya ni Junjun Binay sinisilip na

- Advertisement -

Tukoy na ng Philippine National Police (PNP) ang persons of interest sa pananambang sa dating secretary ni dating Makati Mayor Junjun Binay na si Monaliza Monette Bernardo.

Ayon sa Makati Police, may hawak na silang testigo na namukhaan ang mga salarin sa pagpamamaril.

Hindi naman tinukoy ng mga awtoridad pagkakakilanlan ng mga person of interest habang patuloy ang pangangalap ng ebidensya laban sa mga ito.

Nag-request na rin ang Makati Police ng mga CCTV footage sa apat na barangay na sinasabing dinaan ng mga biktima.

Samantala, namatay na noong Biyernes ng gabi si Bernardo dahil sa tindi ng mga tama ng mga bala sa kanyang katawan matapos ang naging pananambang noong Huwebes ng gabi.

—-

 

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -