Saturday, May 4, 2024

‘nCoV fear’ ‘di dapat mauwi sa diskriminasyon —CHR

- Advertisement -

Hinihimok ng Commission on Human Rights (CHR) ang pamahalaan na tutukang maigi ang pagtukoy sa mga posibleng naapektuhan ng 2019 novel coronavirus acute respiratory disease (2019 nCoV-ARD).

Ito ang inihayag ni CHR spokesperson Atty. Jacqueline De Guia, matapos maghayag ng pagkabahala ang naturang ahensya sa posibilidad na mauwi sa diskriminasyon lalo na sa ibang lahi ang pagkalat ng 2019 nCoV-ARD.

Aniya, bagamat nauunawaan nila ang takot ng mga Pilipino, hindi dapat ito maging daan upang mag-iba ang pagtrato sa kapwa tao.

Samantala, hinihimok rin ng CHR ang taumbayan na magtulungang sugpuin ang maling impormasyon kaugnay sa naturang sakit at hindi ito dapat makalabag sa karapatang pantao. —ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img