Thursday, May 2, 2024

Nationwide ceasefire ipapatupad sa holiday season

- Advertisement -

Napagkasunduan ng mga kinatawan ng pamahalaan at National Democratic Front of the Philippines (NDFP) na irekomenda ang pagpapalabas ng unilateral at reciprocal nationwide ceasefire ngayong Kapaskuhan.

Sa lumabas na kopya ng joint statement, nagkasundo ang dalawang panig na irekomenda ang 15 araw na tigil putukan mula 12 a.m. ng December 23 hanggang 11:59 p.m. ng January 7, 2020.

Sa nabanggit na panahon, kapwa ititigil ng magkabilang panig ang pagsasagawa ng mga opensiba at military operations sa bawat isa.

Layunin nitong makalikha ng isang positibong sitwasyon bilang paghahanda sa isasagawang informal talks patungo sa muling pagbuhay sa usapang pangkapayapaan.

Gayundin ang magkaroon ng mabuting hangarin at pagbuo ng pagtitiwala kasabay ng pagdiriwang ng pasko at bagong taon.

Nilagdaan ang kasunduan kahapon, December 21 sa Utrecht, The Netherlands nila chief peace negotiator Labor secretary Silvestre Bello, dating secretary at authorized negotiator Hernani Braganza, NDFP negotiating panel senior adviser Luis Jalandoni, NDFP negotiating panel chairperson Fidel Agcaoli.

viber_image_2019-12-22_08-11-26

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img