Thursday, May 2, 2024

Nasawi sa pananalasa ng bagyong Tisoy nananatili sa 12

- Advertisement -

Nananatili sa 12 ang bilang ng mga nasawi sa pananalasa ng bagyong Tisoy habang 54 ang sugatan.

Batay sa pinakahuling talaan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) pumalo na sa mahigit 200,000 pamilya o katumbas ng halos 1B indibiduwal ang naapektuhan ng bagyong Tisoy.

Nagmula anila ang mga ito sa halos 2,000 mga barangay sa regions 3, 5, 8 at Cordillera Administrative (CAR) ang mga apektadong pamilya.

Sa nabanggit na bilang, mahigit 28,000 pamilya o mahigit 100,000 indibiduwal ang pansamantalang nanunuluyan sa halos 800 mga evacuation centers.

Mahigit 3,000 pamilya naman o katumbas ng 14,000 katao ang nakikituloy sa kani-kanilang mga kaanak.

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img