35 C
Manila
Friday, April 19, 2024

Isang Fil-Am kabilang sa nasawi sa pamamaril sa Hawaii

- Advertisement -

Kumpirmadong kabilang ang isang Filipino–American sa 3 nasawi sa insidente ng pamamaril sa Pearl Harbor sa Hawaii noong Miyerkules.

Kinilala ang napatay na Fil-Am na si Roldan Agustin, 49 anyos na ipinanganak sa Laoag City at lumaki sa Hawaii matapos mag-migrate ang kanilang pamilya noong 2 taon gulang pa lamang ito.

Nagtrabaho si Agustin sa US Navy at Army National Guard bago ito maging metal inspector sa Pearl Harbor Naval Shipyard.

Ayon sa nanay ng biktima na si Ida Agustin, hindi siya makapaniwala sa nangyari lalu na’t isang mabuting tao ang kanyang anak.

Magugunitang nitong Miyerkules, bigla na lamang namaril ang suspek na si Gabriel Romero, isang US Navy Sailor na siyang ikinamatay ng 2 biktima kabilang si Agustin at ikinasugat ng isa pa.

Nagbaril naman sa sarili ang suspek matapos ang insidente.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -