Sunday, May 5, 2024

Namatay na OFW sa Dubai negatibo sa nCoV, Bello nag-sorry

- Advertisement -

Patuloy na ina-alam ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang tunay na ikinasawi ng Pinay overseas filipino worker (OFW) sa Dubai.

Ito ay matapos na mapa-ulat na nasawi ang Pinay OFW na kinilala bilang si Amalia Collado Daproza dahil sa 2019 novel corona virus acute respiratory disease (2019 nCoV-ARD).

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, Pebrero 2 nang makatanggap ang DOLE ng ulat na coronavirus ang ikinasawi ni Daproza, ngunit hindi aniya tinukoy kung anong uri ng coronavirus ang ikinamatay nito.

Dahil dito, humingi ng paumanhin si Bello sa gobyerno ng Dubai dahil sa panic at takot na idinulot ng kaniyang naging pahayag.

Batay sa ulat na inilabas ng pathology and genetics department ng Dubai health authority, negatibo sa 2019 nCoV-ARD ang Pinay OFW.

Gayunman, batay naman sa Facebook post ng Dubai government media office, lumabas na hindi virus ang ikinasawi ng nasabing OFW.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img