Tuesday, May 7, 2024

Nakaambang kakulangan sa karne ng baboy posible —DA

- Advertisement -

Pinangangambahan ngayon ng Department of Agriculture (DA) na posibleng magkulang ang suplay ng karne ng baboy ngayong holiday season dahil sa epekto ng African Swine Fever (ASF)

Ayon kay Agriculture Undersecretary for Livestock Willian Medrano, kanila nang inaasahan ang deficit sa suplay ng karne ng baboy hanggang sa huling bahagi ng taon.

Aniya, dahil sa banta ng ASF ay marami nang nagnenegosyo ng baboy ang hindi nagsagawa ng re-stocking dahil sa pangambang masayang lamang ang mga ito at mamatay kapag tinamaan ng nasabing sakit.

Samantala, sinabi pa ni Medrano na isang dahilan sa paglala ng ASF sa bansa ang pagpupuslit ng mga pasaway na traders ng mga karneng infected ng ASF.

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img