Saturday, May 4, 2024

Mungkahi ni Pacquiao na paglaanan ng pondo ang mga atletang pinoy pinaboran ng Palasyo

- Advertisement -

Pinaboran ng Malakaniyang ang mungkahi ni Sen. Manny Pacquiao na dapat paglaanan ng pondo ang training ng mga Pilipinong atleta sa weight class sports.

Kasunod ito ng pagkapanalo ni Carlos Edriel Yulo at Nesthy Petecio na nag-uwi ng karangalan sa bansa para sa kanila-kanilang larangan.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, marami siyang naririnig na hindi sapat ang pondo ng mga atleta para sa pagsasanay.

Dahil dito kinakailangan pang lumikom at mag solicit sa mga maaaring maging sponsor para lamang makalahok sa laban ang mga atleta sa ibang bansa.

Sinabi ni Panelo na siya man ay hindi naiiintindihan kung bakit hindi nabibigyan ng sapat na pondo ang mga atletang pinoy na siyang nagbibigay ng karangalan sa bansa.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img