Saturday, May 4, 2024

PNP-OIC Gen. Gamboa pinagbawalan ang mga pulis na maglaro ng golf tuwing weekdays

- Advertisement -

Pinagbawalan ni PNP-OIC P/Lt. Gen. Archie Francisco Gamboa ang lahat ng pulis maging ang mga opisyal na mag-golf tuwing weekdays.

Sinabi ni Gamboa, na masyadong maraming oras ang inilalaan ng mga pulis sa pag-gogolf gayung marami ang trabahong dapat na tapusin.

Bukas naman aniya siya sa paglalaro ng golf ng mga pulis basta ito ay gagawin tuwing weekends.

Samantala, pinaboran naman ni Senador Ping Lacson ang naturang direktiba ni Gamboa.

Sa kaniyang twitter post, sinabi ni Lacson na maaari silang mamimili kung isasakripisyo nila ang family time sa kanilang pag-gogolf tuwing weekend, ngunit hindi ang oras para sa kanilang trabaho na kinukunan nila ng pangkain para sa kanilang pamilya

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img