Tuesday, May 7, 2024

Military exercises ng Pinas, US tuloy — Lorenzana

- Advertisement -

Tuloy-tuloy ang mga nakaplanong military exercises sa pagitan ng mga sundalong Pilipino at Amerikano.

Binigyang diin ito ni Defense Secretary Delfin Lorenzana nang naging epektibo ang pag-terminate sa Visiting Forces Agreement (VFA).

Ipinabatid muli ni Lorenzana na epektibo pa ang pag-terminate sa VFA makalipas ang 180 araw matapos pormal na maihain ang notice of termination.

Dahil dito sinabi ni Lorenzana na matutuloy pa ang mga nakaplanong joint military exercises sa loob ng susunod na 180 days bagamat uubra namang ang American counter parts na mismo ang magpasyang huwag nang ituloy ang exercises.

Sa sandaling maging pinal at epektibo ang termination ng VFA inihayag ni Lorenzana na ititigil na ng DND ang lahat ng nakatakdang military exercises kasama ang Amerika.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img