Saturday, May 4, 2024

Mga tiwaling pulis na nag re-recyle ng iligal na droga dapat tugisin ng PDEA —Solon

- Advertisement -

Hinamon ni Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na tugisin ang mga pulis na nagre-recycle ng ilegal na droga.

Ayon kay Biazon, lumang tugtugin na ang ulat na ‘recycling’ ng mga nasasamsam na droga ng mga tiwaling pulis.

Aniya, ang dapat na malaman ngayon ay kung gaano kalawak ang recycling ng droga, at kung sino sa mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) ang sangkot dito.

Gayunman, kumpiyansa pa rin naman si Biazon na ang PDEA pa rin ang nasa posisyon para buwagin ang katiwalian sa hanay ng PNP.

Una rito, isiniwalat ni PDEA Dir. Gen. Aaron Aquino na talamak pa rin ang pag-re-recycle ng mga nakukumpiskang ilegal na droga sa hanay ng pulisya, kung saan kumbinsido rin naman si Aquino na may ilan ding PDEA agents ang sangkot sa ilegal na gawain.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img