30.6 C
Manila
Sunday, April 21, 2024

Mga nakalayang convicts sa bisa ng GCTA may hanggang ngayong araw na lamang para sumuko

- Advertisement -

Hanggang ngayong araw na lamang maaring sumuko ang mga napalayang bilanggo sa bisa ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) law.

Ito ay kaugnay ng 15 days ultimatum na ibinigay ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Setyembre 4 sa mahigit 1K napalaya sa ilalim ng nasabing batas.

Ayon sa Pangulo, ituturing na ‘fugitives’ o takas sa batas ang mga convicts na mabibigong sumuko ngayong araw na ito.

Batay sa pinaka-huling tala ng Bureau of Corrections (BuCor) nasa kabuuang 964 na ang bilang ng mga sumuko sa iba’t-ibang panig ng bansa.

Una rito, inatasan din ng pangulo ang mga otoridad na tugisin ang mga bilanggo na hindi susuko sa itinakda niyang deadline.

Sa ngayon, aabot naman sa P1-M ang pabuyang alok ng pangulo sa mga makaka aresto ng mga convicts, buhay man o patay.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -