Pagpapasabog sa oil facilities ng Saudi Arabia walang epekto sa presyo ng langis sa bansa —Petron Corp.

0
11

Walang epekto sa presyo ng produktong petrolyo sa bansa ang naganap na pag-atake sa dalawang oil facilities sa Saudi Arabia noong nakaraang linggo.

Ayon kay Petron Corporation Chairman at CEO Ramon Ang, sapat ang buffer supply ng petroleum sa bansa.

Paliwanag pa nito, tatagal ng 30 araw ang imbak na petrolyo ng mga oil companies sa bansa.

Gayunman, taliwas naman ito sa naging pahayag ng Independent Philippine Petroleum Companies Association (IPPCA) kung saan sinabi ni IPPCA President Atty. Bong Suntay na posibleng lumampas sa P1 ang itataas na presyo ng langis sa susunod na linggo.

Magugunitang, bumaba sa 5.7 million barrels per day ang produksyon ng Saudi matapos ang nangyaring pag-atake.