Wednesday, May 8, 2024

Mga tiwaling pulis maituturing na ‘hudas’ kay Duterte — Gordon

- Advertisement -

Maituturing na “hudas” kay Pangulong Rodrigo Duterte ang mga tiwaling pulis.

Ito ang binigyang diin ni Senador Richard Gordon kaugnay ng isyu sa ‘ninja cops’.

Ayon kay Gordon, ito ay dahil una ng itinaas ng pangulo ang suweldo ng mga pulis para maputol na ang mga iligal na pinagkakakitaan ng mga ito.

Ngunit sa halip aniyang magbago ay may natitira pa ring mga bugok sa hanay ng Pambansang Pulisya.

Aniya, ito ang dahilan kaya’t dapat lamang na maging masigasig ang Senado sa pag-imbestiga sa mga pulis na nagrerecycle ng illegal drugs.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img