Saturday, May 18, 2024

Mga tinukoy na lugar sa ilalim ng Memo 32 pasok sa pamantayan ng PNP

- Advertisement -

Pasok sa pamantayan ng Philippine National Police (PNP) ang mga lugar na tinukoy sa Memorandum Order No. 32 para mapabilang bilang election hotspots.

Sinabi ni PNP Spokesman Chief Supt. Benigno Durana na bukod sa presensya ng communist terrorist groups talamak din sa Bicol, Samar, Negros Oriental at Negros Occidental ang private armed groups at mayruong mataas na antas ng krimen na may kinalaman sa eleksyon.

Gayunman, inihayag ni Durana na bagamat may hawak na silang inisyal na listahan ng mga posbileng maging election hotspot hindi pa ito maisasapubliko hanggat hindi pa nila ito nailalatag sa Commission on Elections (COMELEC) at Armed Forces of the Philippines (AFP).

Kabilang sa mga basehan ng PNP para sa isang election hotspot ay malakas na presensya ng lawless elements tulad ng NPA, private armed groups at gun for hire groups mainit na bakbakan sa pagitan ng mga pulitikong tatakbo sa eleksyon at nagkalat na mga armas.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -