Saturday, May 4, 2024

Mga tauhan ng BI hinarang ang hinihinalang mga terorista sa NAIA

- Advertisement -

Hinarang ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa NAIA ang isang Iraqi Swedish National at tatlong kasama nito dahil sa hinalang mga terorista ang mga ito.

Ipinabatd ni BI Port Operations Chief Grifton Medina na dumating sa NAIA terminal 1 ang mga dayuhan sakay ng Jetstar flight galing sa Singapore.

Hindi muna inilabas ng BI ang pangalan ng mga dayuhan dahil sa kahilingan ng intelligence community.

Hindi na pinapasok sa bansa ang mga pasahero at kaagad pinasakay sa paalis na flight.

Sinasabing wala sa blacklist ng BI ang pasaherong Iraqi Swedish nasa listahan naman ito ng US intelligence authorities.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img