Thursday, May 2, 2024

Mga sibilyang nag-aapply na bodyguard ng mga Chinese sa POGO bawal na —PNP

- Advertisement -

Ipinagbabawal na ng Philippine National Police – Civil Security Group (PNP-CSG) ang mga sibilyang nag-aapply bilang bodyguard ng mga Chinese nationals na nasa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).

Ayon kay PNP-CSG Director P/Maj. Gen. Roberto Fajardo Jr., ang mga sibilyan na nag-aapply bilang bodyguard ay hind mga lisensyadong protective agents.

Aniya, nagiging modus pa ng mga ito tuwing sinisita ng mga pulis ay ipinalalabas na driver lang sila ng mga dayuhang VIP.

Paliwanag ni Fajardo, ang pagkuha ng private security ay kailangang dumaan sa tamang proseso ng threat assessment at aprubahan ng hepe ng PNP.

Nagbabala naman si Fajardo sa mga mahuhuling bodyguard na walang kaukulang lisensya na nakaabang na sa mga ito ang patung-patong na kaso.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img