35 C
Manila
Friday, April 19, 2024

Pagdami ng prank calls sa nat’l hotline 911 ikinababahala ng DILG

- Advertisement -

Nababahala ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa patuloy na pagdami ng mga prank calls na natatanggap ng national hotline 911.

Batay sa datos ng DILG, umabot na sa mahigit 2-milyon ang kanilang natatanggap na prank calls nakaraang taon lamang.

Paliwanag ni DILG secretary Eduardo Año, sa bawat prank calls na kanilang natatanggap, maaaring may isang buhay na malalagay sa panganib dahil hindi agad makapasok ang tunay na emergency calls.

Nananawagan naman ang kalihim sa publiko na huwag gawing katatawanan ang pagtawag sa hotline 911, gayung kailangan lang ito sa emergency na sitwasyon.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -