Sunday, May 5, 2024

Mga Pinoy sa Italya umapela ng tulong sa pamahalaan

- Advertisement -

Mahigit 100 OFW’s sa Italya ang umapela sa pamahalaan na bilisan ang pagtugon sa kahilingan nilang mapauwi na sila sa Pilipinas.

Ayon kay Rhoderick Ople, Pangulo ng OFW Watch Italy, mahigit 70 sa mga nais nang umuwi ay mula sa sektor ng turismo na nawalan ng trabaho dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Naiparating na anya nila ang kanilang kahilingan sa embahada ng Pilipinas subalit wala pang tugon hanggang sa kasalukuyan.

Matatandaan na apat na Pinoy mula sa pinaka-apektadong rehiyon ng Lombardy ang nasawi dahil sa COVID-19 samantalang may 20 pa ang naka-quarantine.

May 10 pang Pinoy sa Roma ang positibo sa COVID-19 at kasalukuyang nasa ospital.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img