35.4 C
Manila
Friday, April 26, 2024

Mga pamilyang Filipino na nagsabing nabiktima ng krimen bahagyang tumaas

- Advertisement -

6.1 percent o katumbas ng 1.4 million pamilyang Filipino ang nagsabing nagbiktima sila o ang kanilang mga kaanak ng krimen sa nakalipas na anim na buwan.

Batay ito sa isinagawang ng survey ng Social Weather Stations mula 15 hanggang 23 ng Setyembre sa may 1,500 mga respondents.

Bahagyang mataas ito sa 5.3 percent o katumbas ng nasa 1.2 million pamilya na naitala sa kaparehong survey noong Hunyo.

Lumabas din sa kaparehong survey na pinakamarami ang naitalang nabiktima ng pandurukot o pagnanakaw na umabot sa 4.6 percent o katumbas ng 1.1 million pamilya.

Sinusundan ng akyat bahay o pagnanakaw sa tahanan na umaabot sa 2 percent o mahigit 470,000 pamilyang Filipino.

Samantala, batay rin sa survey ng SWS, 46 percent ng mga respondents ang nagsabing nakakaramadam pa rin sila ng takot sa paglalakad sa lansangan tuwing gabi habang 41 percent naman ang naniniwalang may mga kapitbahay silang lulong sa iligal na.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -