Monday, May 6, 2024

Application para sa gun ban exemption simula na sa Sabado

- Advertisement -

Magsisimula na sa Sabado, Disyembre 1, ang unang araw ng paghahain ng aplikasyon para sa exemption sa election gunban sa susunod na taon.

Ayon kay Commission on Elections (Comelec) Spokesman Director James Jimenez, bukas ang lahat ng tanggapan ng Comelec sa Sabado mula alas otso ng umaga hanggang ala singko ng hapon para tumanggap ng mga aplikasyon kahit na Sabado.

Tiniyak din ni Jimenez na matinding bubusisiin at pag-aaralan ng comelec sa pangunguna ni Commissioner Al Pareño ang lahat ng mga ihahaing application para sa gun ban exemption.

Kasabay nito, inilatag na rin ng Comelec ang magiging sakop ng ipatutupad na gun ban simula mula Enero 13 hanggang Hunyo 12 ng sususnod na taon bilang bahagi ng pagtitiyak sa seguridad sa 2019 midterm elections.

Batay sa Comelec en banc Resolution No. 10446, pinagbabawalan ang lahat ng sibilyan na magdala ng baril sa labas ng kanilang mga tahanan kahit pa may permit to carry sa panahon ng eleksyon.

Bawal din ang pagdadala anumang armas kahit nasa loob lamang ng sasakyan at papayagan lamang ito kung may permiso o makakakuha ng exemption mula sa Comelec.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img