Tuesday, May 7, 2024

Lizada itinalaga bilang bagong CSC commissioner

- Advertisement -

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Board Member Atty. Aileen Lizada sa isang bagong puwesto.

Batay sa inilabas na appointment letter ng Malakanyang na nilagdaan ni Pangulong Duterte noong Nobyembre 9, itinalaga si Lizada bilang commissioner ng Civil Service Commission (CSC) kapalit ni Robert Martinez.

Si Lizada ay magsisilbi sa CSC hanggang Pebrero 2 ng taong 2025.

Samantala, sinabi ni Lizada na kanya pang hinihintay ang kopya ng ipinalabas na appointment letter ng Malakanyang bago pormal na magsimula bilang CSC commissioner.

Aniya, daldalhin niya sa kanyang bagong tungkulin ang lahat ng kanyang natutunan sa pagtatrabaho sa Office of the Ombudsman na makatutulong aniya sa pagpapaunlad ng CSC.

Dagdag ni Lizada, isa sa kanyang huling trabaho bilang LTFRB board member ang pagdalo sa ipinatawag na pagdinig ni Senadora Grace Poe sa Martes, Disyembre 4.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img