Nakapagtala ng labing anim (16) na volcanic earthquakes sa Mt. Kanlaon ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS sa nakalipas na bente kuwatro (24) oras.
Sa tala ng PHIVOLCS kahapon, umaabot sa mahigit isang daang (100) tonelada sa kada araw ang average na sukat ng ibinubugang sulfur dioxide ng Mt. Kanlaon.
Samanatala, nananatili naman sa level 2 ang itinaas na alerto ng PHIVOLCS na nangangahulugang nasa moderate level of unrest ito.
Kasunod nito, pinaalalahanan ng PHIVOLCS ang lokal na pamahalaan sa Negros Occidental na tiyaking mahigpit na ipinatutupad ang 4 kilometer radius permanent danger zone sa paligid ng Mt. Kanlaon.
—-