Friday, May 17, 2024

Mga nasawi sa lindol sa North Cotabato, nadagdagan

- Advertisement -

Sumampa na sa pito ang kabuuang bilang ng mga nasawi dahil sa pagtama ng magnitude 6.3 na lindol sa Tulunan, North Cotabato noong nakaraang linggo.

Ito mismo ang kinumpirma ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kung saan pumalo na rin sa 215 ang nasugatan sa Regions 9, 12 at BARMM.

Kaugnay nito, naitala rin naman ng NDRRMC ang 700 aftershocks.

Matatandaang, nito lamang Miyerkules, October 16 ng tumama ang magnitude 6. 3 na lindol sa North Cotabato kung saan nasa mahigit 3,000 pamilya ang naapektuhan.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -