28.9 C
Manila
Friday, March 29, 2024

PNP nakakuha ng ‘very good’ satisfaction rating sa SWS survey — Triambulo

- Advertisement -

Naniniwala ang Philippine National Police Internal Affairs Service (PNP- AIS) na buo pa rin ang tiwala ng publiko sa kapulisan sa kabila ng mga kontrobersiyang kinakaharap nito.

Ayon kay PNP – AIS Inspector General Alfegar Triambulo, patunay dito ay ang nakuhang very good satisfaction rating ng PNP sa pinakahuling Social Weather Stations survey.

Aniya, mula sa dating 65 ay naging 75 kaya lumalabas na very good ang perception ng tao sa kapulisan.

Sa kabila nito ay aminado pa naman si Triambulo mayroong pa ring bulok sa hanay ng mga pulis kaya patuloy ang kanilang paggiit maging independent ang AIS mula sa PNP para mas mabigyan sila ng kapangyarihan na habulin ang mga abusadong pulis.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -