Saturday, May 18, 2024

Mga maling datos sa COVID-19 inaayos na ng DOH

- Advertisement -

Kumikilos na ang Department of Health (DOH) upang itama ang mga ‘di umano’y nakakaalarmang pagkakamali sa mga datos ng ahensya sa COVID-19.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, inatasan na niya si Usec Ma. Rosario Vergeire na tignan kung mayroon ngang problema at itama agad ang mga ito.

Batay aniya sa paunang impormasyon, galing sa epidemiology bureau ang kinukuwestyong datos.

Kabilang sa mga pinuna ng UP COVID-19 pandemic response team ang isang pasyente na iniulat na nasawi sa COVID-19 ng April 24 subalit hindi na nakasama sa kabuuang listahan ng mga nasawi kinabukasan.

Sa loob lamang umano ng dalawang araw na pag-aaral, nakita ng mga eksperto na may 45 pasyente na unang itinala bilang lalake ang biglang naging babae at vice versa 75 pasyente ang biglang bumaba ang edad sa loob ng isang araw samantalang mahigit sa 500 ang nalipat sa ibang syudad o sa isang imaginary city.

Ang UP COVID-19 response team ay binubuo ng 200 professors, researchers, alumni at mga estudyante sa iba’t-ibang larangan.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -