Friday, May 10, 2024

Mga kontratang pinasok ng gobyerno at ng 2 water concessionaires susunod na sisilipin ni Pang. Duterte

- Advertisement -

Susunod nang sisilipin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kontratang pinasok ng pamahalaan at ng dalawang water concessionaires sa bansa.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, hindi palalampasin ng pangulo kung ano man ang makikita nitong iligal at probisyon na agrabyado ang publiko.

Aniya, ito ay para mabigyan ng proteksyon ang mga consumers na pangunahing pangangailangan sa araw-araw ay tubig.

Samantala, tiniyak rin ni Panelo na pagtapos  isa isahin ng presidente ang mga pinasok na kontrata ng gobyerno sa Maynilad at Manila Water ay isusunod rin nito ang pagsilip sa kontrata sa kuryente, transportasyon, telekomunikasyon at iba pa.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -