Panukalang 2020 national budget dapat siyasating mabuti — Zarate

0
16

Umapela ang Makabayan Bloc kay Pang. Rodrigo Duterte na siyasatin ng mabuti ang P4.1-T na panukalang pambansang pondo para sa susunod taon.

Ayon kay Bayan Muna Rep. Carlos Zarate, dapat na masusing pag-aralan ng Pangulo ang 2020 proposed national budget lalo na’t patuloy na iginigiit ni Senator Panfilo Lacson na may isiningit dito ang ilang mambabatas.

Sinabi pa ni Zarate, na kaduda-duda din ang bicam report dahil karamihan ng mga protektong nakapaloob dito ay hindi naman detalyado.

Kaugnay nito, sinabi naman ni ACT Teachers Rep. France Castro na hindi sapat ang kanilang oras para basahin at busisiin ang bicam committee report.