31 C
Manila
Sunday, April 28, 2024

‘2-days emergency leave’ tuwing may kalamidad isinusulong sa Kamara

- Advertisement -

Isinusulong ni Albay Representative Joey Salceda ang pagbibigay ng dalawang araw na emergency leave sa mga empleyado na maaapektuhan kapag may tumamang kalamidad.

Nakasaad sa naturang panukala na may bayad parin ang dalawang araw na special emergency leave sa mga pribado at pampublikong empleyado sa bansa na nakapagtrabaho na sa kumpanya ng anim na buwan.

Hindi naman isinali ni Salceda sa panukala ang mga government workers na kinakailangan sa disaster, relief at rescue operations.

Sa huli, iginiit ng mambabatas na hindi lang naman tulong ang kailangang ibigay ng gobyerno sa mga matinding maaapektuhan ng kalamidad dahil kailangan rin nito ng panahon upang makapag plano sa kani-kanilang muling pagbangon at pagsasaayos sa mga pag aari na nasira ng kalamidad.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -