Thursday, May 9, 2024

Mga kawani ng PSA exempted sa ECQ

- Advertisement -

Exempted o hindi na rin saklaw ng enhanced community quarantine (ECQ) ang mga kawani ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Ito ang inihayag ni IATF Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles sa kanyang online presser.

Ayon kay Nograles, layunin nitong maipagpatuloy na ng PSA ang pagproseso sa national ID na target dapat na maipatupad at magamit ngayong taon.

Una na ring sinabi ni Nograles at Senate President Vicente Sotto III na malaki sana ang maitutulong ng national ID para sa maayos na pamamahagi ng social amelioration program (SAP) sa publiko.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img