31 C
Manila
Sunday, April 28, 2024

Mga hotel, restaurant sa Tagaytay City muling magbubukas

- Advertisement -

Inilatag na ng tourism council sa Tagaytay City ang mga kundisyon sa muling pagbubukas ng hotel at restaurant sa lungsod.

Ito sa gitna pa rin nang nakataas na alert level 4 sa Bulkang Taal, dahil sa patuloy na pag aalburuto nito.

Ayon kay Clyde Yayong, Hepe ng Tagaytay City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), maari nang mag-balik operasyon anumang oras ang mga hotel at restaurant sa Tagaytay City.

Aniya, ito lamang ay kung makasusunod ang pamunuan ng mga hotel at restaurant sa proper sanitation at hygiene matapos na balutin ng abo ang mga establisyemento.

Kaugnay nito, dapat ding tiyakin ng pamunuan ng mga hotel at restaurant ang kaligtasan ng kanilang mga empleyado at customers.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -