31.9 C
Manila
Thursday, March 28, 2024

Buling-Buling festival ipinagdiriwang sa Pandacan, Maynila

- Advertisement -

Umapela si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa mga mananampalataya na huwag palitan ng ibang “hari” si Hesus Kristo.

Ito ang mensahe ng Cardinal kasabay ng pagdiriwang ng Buling -Buling Festival sa Pandacan sa Maynila.

Ayon kay Tagle, dapat na isapuso ng mga mananampalataya ang kabutihan ng Panginoon, at huwag palitaan ng ibang Hari si Hesus dahil siya aniya ang nagdadala ng tunay na kagalingan, paghihilom at tagumpay sa kasalanan at kamatayan.

Kasabay nito, muli namang umapela si Cardinal Tagle sa mga Katoliko na ipag-dasal, at tulungan ang mga naapektuhan ng pag-aalburuto ng Bulkang Taal.

Ang Buling-Buling Festival ay isa sa pinaka-popular na debosyon ng mga Katoliko sa Sto. Niño o sa batang si Hesus.

Bilang pagpupugay sa Sto Niño sumasayaw ng buling-buling ang mga tiga Pandacan, isang araw bago ang ikatlong linggo ng Enero o ang pista ng Sto. Niño.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -