Friday, May 17, 2024

Mga empleyado ng NFA tutol sa pagsasabatas ng rice tariffication

- Advertisement -

Nagsuot ng itim na damit ang mga empleyado ng National Food Authority (NFA) sa kanilang flag raising ceremony kaninang umaga.

Ito ay bilang pagpapakita ng kanilang pagtutol sa rice tariffication act na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay NFA acting administrator Tomas Escarez, ikinalungkot ng libu-libong mga Filipino workers at kanilang mga empleyado ang pagkakapasa sa rice tariffication act.

Sa kabila nito, tiniyak ni Escarez na patuloy nilang ipaglalaban ang karapatan ng mga magsasaka, mamimili at empleyado ng NFA sa pagbalangkas ng implementing rules and regulations o IRR ng nasabing batas.

Dagdag ni Escarez, kanilang tatanggapin anuman ang magiging papel ng NFA sa ilalim ng rice tariffication act.

—-

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -