Friday, May 17, 2024

Metro Manila, ilang karatig lalawigan isasailalim muli sa MECQ

- Advertisement -

Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang muling pagsasailalim sa Metro Manila sa modified enhanced community quarantine (MECQ) kasama na ang Bulacan, Laguna, Cavite, at Rizal.

Ito ay matapos na manawagan ang iba’t ibang grupo ng medical workers na maibalaik sa enhanced community quarantine (ECQ) ang Metro Manila sa loob ng dalawang linggo.

Ayon kay Pangulong Duterte, naiintindihan nito ang mga  hinanaing ng mga medical workers, ngunit kung wala aniyang tutulong sa taumbayan ay wala nang ibang inaasahang gumawa pa ng naturang trabaho.

Hinihikayat naman ng pangulo ang mga frontliners na huwag mawalan ng pag-asa at habaan pa ang kanilang mga pasenya.

Samantala, epektibo naman ang MEQC sa mga nabanggit na lugar simula hatinggabi ng ika-4 ng Agosto hanggang sa ika-18 ng Agosto.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -