Duterte ‘di makadadalo sa change of command ceremony ng AFP

0
12

Hindi makadadalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa change-of-command ceremony ng Armed Forces of the Philippines (AFP), ngayong araw.

Paliwanag ni AFP spokesperson Maj. Gen. Edgard Arevalo, mayroon nang naunang kompromiso ang pangulo kung kaya’t hindi ito personal na makadadalo sa seremonyas para sa itatagalang bagong hepe ng AFP na si Lt. Gen. Gilbert Gapay.

Dagdag pa ni Arevalo, si Defense Secretary Delfin Lorenzana naman ang mangunguna sa pangangasiwa ng change-of-command na gaganapin sa AFP commissioned officers club dakong alas-10 ng umaga ngayong araw ng Lunes.

Dahil aniya sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic ay gaganapin ang seremonyas ng walang tradisyunal na parada at magiging limitado lamang ang mga bisita.

“Principal guests” lang aniya ang papayagang makapasok sa loob ng Tejeros Hall habang ang ibang bisita naman ay mananatili sa Lapu-Lapu Grandstand kung saan i-eere ang seremonyas gamit ang led panels.