Sunday, May 5, 2024

Matteo Guidicelli, gaganap bilang bagong Pedro Penduko

- Advertisement -

Nakapili na ang Viva Films ng bagong gaganap bilang Pedro Penduko.

Ito ay matapos umatras sa role na Filipino Comic Hero ang young actor na si James Reid dahil sa pagtamo nito ng injury habang nagt-training ito sa naturang pelikula.

Inanunsyo ng Viva Films na si Matteo Guidicelli na ang bagong gaganap bilang Pedro Penduko.

Nangako naman ang dalawang direktor na sina Jason Paul Laxamana at Sony Sison na kakaibang Pedro Penduko ang matutunghayan ngayon at pamamagatan na lamang itong “Penduko”.

Samantala, ang nasabing pelikula ay inaasahang mailalabas na sa susunod na taon.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img