Pinay tennis player Alex Eala, umakyat sa rank 13 sa ITF

0
33

Umakyat sa rank 13 ang Pinay tennis player na si Alex Eala batay na rin sa Juniors’ World Tennis rankings ng  International Tennis Federation (ITF).

Si Eala ay umakyat sa rank 13 mula sa rank 26 nang makakuha ng silver medal sa World Super Juniors Tennis Championship -Osaka Mayor’s Cup sa Japan nitong nakalipas na October 14 hanggang 20.

Pumuwesto si Eala sa 26th spot matapos ang kaniyang silver medal finish sa ITF Junior Grade A Tournament sa Cape Town, South Africa noong isang buwan.

Si Eala na isang Rafael Nadal Academy Scholar ay gumawa ng ingay matapos ang kaniyang pagsali sa US Open Junior’s Tournament kung saan pumasok ito sa second round ng torneo.

Target ni Eala ang SEA games gold medal sa pag host ng bansa sa SEA games simula sa November 30.