Sunday, May 5, 2024

Matagal na pagresolba sa Marcos-Robredo electoral protest isinisi sa kampo ni Marcos

- Advertisement -

Ibinalik ng kampo ni Vice President Leni Robredo sa kampo ni dating senador Bongbong Marcos ang sisi sa natatagalang pagresolba sa election protest.

Ayon kay Atty. Romulo Macalintal, abogado ni Robredo, matapos ang recount sa tatlong pilot areas na napili ni Marcos, may tatlo pa uling areas ang nais nitong isalang sa muling pagbibilang.

Sinabi ni Macalintal na kahit na matapos pa ang election protest ni Marcos, kailangan pa ring resolbahin ng Presidential Electoral Tribunal (PET) ang election protest na inihain naman nila laban kay Marcos.

Hindi kami ang nagde-delay, kundi sila ang humihingi ng additional matapos na hindi makapagpatunay do’n sa tatlo, nagtataka ako kung bakit —’yung tatlo kasi ang pinili tapos sasabihing ‘hindi pala ‘yun ang aking kailangan, kailangan ko pala ito; Basilan, dito pala ako’, e, sabi namin, bakit hindi mo pinili ‘yan noong una, ngayon ka lang maghahabol?” ani Macalintal.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img