Tuesday, May 7, 2024

SC nais maging ‘transparent’ sa Marcos-Robredo electoral protest — ex-COMELEC comm

- Advertisement -

Naniniwala si dating COMELEC Commissioner Gregorio Larrazabal na nais maging transparent ng Korte Suprema na tumatayong Presidential Electoral Tribunal (PET).

Tinukoy ni Larrazabal ang desisyon ng PET na ipalabas ang committee report hinggil sa ginawang recount ng mga boto sa pilot provinces na pinili ni dating senador Bongbong Marcos.

Ayon kay Larrazabal, sa pamamagitan nito, wala nang sinuman ang magbibigay ng ispekulasyon o pwedeng magreklamo hinggil sa resulta ng recount.

Gayunman, dahil sa naging desisyon anya ng PET ay lalo lamang tatagal ang proseso.

Sinabi ni Larrazabal na sa kanyang pagkakaalam, mayroon namang nakukuhang kopya ang kampo nina Robredo at Marcos habang isinasagawa ang recount.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img